KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


A.   Lagom

Ang layon ng mga mananaliksik na maipakita ang kaibahan ng mga pelikula noong 1912 at 1998, nakakalap kami ng ilang  datos kung ano ang kaibahan ng mga pelikula sa nabangit na mga taon. Kagaya ng tema nang magkaibang pelikulang “La Vida de Jose Rizal” (1912)at Jose Rizal(1998).Nagtuklasn rin ng mga mananaliksik ang mga kaibahan ng sinematograpiya,musikang inilapat,angolo ng kamera o ang mga munting bagay na nagpapaganda nang pelikula. Hindi gaanong magkaiba ang uri nang pelikula sapagkat ang dalawang pelikula ay hango sa buhay nang isang bayani na si Dr.Jose Rizal.Ang proseso rin sa paggawa nang pelikula at ang mga taong gumaganap nito ay magkakaiba. 

Ayon sa aming nakalap na datos ang dalawang pelikulang ginamit ay isang pananaw realismo sapagkat ang dalawang pelikula ay hango kung ano ang naganap sa totoong buhay nang bayani na si Rizal.

Ang pelikulang Pilipino ay itinuturing pinaka batang uri nang sining sa Pilipinas at itinuturuing isang libangan. Hindi kaagad ito umusbog sa bansa dahil sa pagkasira ng indusriya ng pelikula dahil sa pagkaroon ng digmaan. Kaya mahirap ang pagbangon nang industriyang ito at ang oras na nawala ay naging dahilan kung bakit tinaguriang pinaka batang uri ng sining ang pelikula dito sa bansa.

Natuklasn din naming sa aming pagsisiyasat na ang La Vida de Jose Rizal ang kauna-unang pelikulang ginawa. At nang nakita ng mga negoyante ang potensiyal na magkaroon ng pera sa industriyang ito sinundan pa ng maraming mga pelikula na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy paring tinatangkilik at minahal ang industriya ng pelikula  ng makabagong Pilipino. 

B.   Konklusyon

Tinangkilik na ng industriya na pelikula sa Pilipinas ng iba’t ibang dekada ng pagbabago sa aspeto nang paggawa nito. Maraming mga iba’t ibang genre ang magsulputan dahil sa pagbuo nang iba’t ibang kombinasyon upang makabuo ng panibagong genre. Sa taong 1995, unti-unting nagsulputanang mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula. Nalapatan ang mga hindi klarong tunog at ang mga hindi makatotohanang effects biswal man o musika at iba pang aspeto nito.Habang ang mga taon ay lumalaki mas marami nang makabagong teknolohiya ang ginagamit na nagkaroon ng kaibahan sa pelikula ng mga unang taon ng 90’s.
Marami na ang mas tumangkilik ng makabagong pelikula na isa sa magandang epekto nang unti- unting pagtuklas ng makabagong teknolohiya.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang papasok nang 1998 hanggang sa kasalukuyan ay ang panahon ang panimulang transisyon ng industriya ng pelikula sa Pilipinas mula sa pagkabagsak nito tungo sa pagunland naming muli.
         Kaya upang wakasan ang pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng diin sa mga mambabasa at kapwa mananaliksik na ang mga pelikula noon sa pelikula ngayon ay malaki ang pinagbago sa aspeto metodolohiya ng pagproproseso ng pelikula na nagkaroon nang pagbabago ng mas magandang kalidad ng pelikula kaysa noon.

C.   Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga mag-aaral
1.    Na nais matuklasan ang kaibahan ng pelikula noon sa mga makabagong pelikula.
2.    Na nais malaman kung bakit mas maganda ang pelikula ngayon.

Ito rin ay para sa mga kapwa mananalisik
1.    Upang magkaroon  ng ibang batayan o maihahambingan sa paglikom nang impormasyong ukol sa kaibahan nang pelikulang Pilipino noon at ngayon.
2.    Nais malaman kung bakit unti-unting namamatay ang industriyang Pilipino.
Mairerekomenda rin ito sa mga guro
             1.    Nais magkaroon ng kaalaman batay sa paksa na maaring gamitin sa pagtuturo.
            2.    Para magkaroon ng impormasyong kung tinatanong ng mga mag-aaral ukol sa kaibahan ng pelikulang Pilipino noon at sa kasalukuyan.




No comments:

Post a Comment