PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ilalahad ang mga datos ukol sa ginawang
paghahambing ng dalawang pelikulang “La Vida de Jose Rizal” at ng pelikulang
“Jose Rizal.”
Talahayan
Bilang 1: La Vida de Jose Rizal
Ang
pelikulang “La Vida de Jose Rizal” ay patungkol sa talambuhay ni Jose Rizal at
sa kalagayn narin ng Pilipinas ng kapanahunan niya. Simula sa pagsilang niya,
pag-alis niya sa Pilipinas patungong Europa upang makapag-aral, Pagpapatapon
nia sa Dapitan, Pagkakulong niya Fort Santiago hanggang sa pagbabaril sa kanya
sa Bagumbayan.
Talahayan
Bilang 2: Jose Rizal
Ang
pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Saklaw ito ang kanyang
buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin sa
Bagumbayan at mamatay sa kamay ng mga Katsila. Ipinapakita rin ditto ang
kanayang malawak na imahinasyon: ang kanyang dalawang nobela na naglalahad ng
kanyang mithiin na matigil ang pagmamatrato ng mga Kastila, gisingin ang mundo
sa mga katiwalian nga pinangagawa ng pamahalaan ng Espanya at makamit ang
kapayapaan sa isang mapayapang paraan imbis na sa madugong labanan.
Talahanayan Blg 3:
Normal
na daloy ng pelikula Paggamit ng flashback
(Simula,
Gitna,Wakas) upang ilahad ang
daloy ng pelikula
Ang
maipakita ang kaibahan ng dalawang pelikulang, “La Vida de Jose Rizal (1912)”
at “Jose Rizal(1998)” ay ang layunin ng mga mananaliksik. And dalawang
pelikulang ito ay hango sa totoong buhay ni Dr. Jose Rizal. Ang temang
pagmamahal sa sariling bayan at ang pananaw realismo ay makikita sa mga
pelikulang ito. Sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng teknolohiya ay kasabay
ang pag-unlad ng sining ng pelikula, na mas nagpaganda sa sinematograpiya,
musikang inilapat, effects at kung ano-ano pang maliliit na bagay na nagbubuo
sa pelikula.
No comments:
Post a Comment