KABANATA I

ANG PANIMULA


A.   Rasyonale ng Pag-aaral

Ang pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular nauri ng libangan. Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining ang pelikula nang natanim sa pilipinas ay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino at asyanong impluwensya simula ng paglaya sa mga kastila, lumaki at lumawak ang mga manunuod ng pelikula sa Pilipinas,dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga pangarap ng Pilipino.

                    Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa tulong ng dalawang negosyanteng swiss, gamit ang lumiere chronophonography. Inasahan na giyera, natigil ang pag- usbong ng teknolohiya sa bansa.

          Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kung saan pinalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal sa taong din iyon nagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at Anda.
          Ang mga unang silent film ay lumabas noong 1912 kung saan tinalakay ang buhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal.Pagkatapos ng World War 1,nagsimula nang gumawa angmga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919) makikita sa mga ito ang hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon sa mundo ng pulitika, kultura at lipunan sa mundo.
           Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang  produksyon nang pelikula sa teatro dahil na rin sa naubos  ang mga kagamitan sa pelikula dahil sa giyera. Ngunit nanatili lamang sila saglit ay bumalik dain sa normal ang industriya.Kaya patuloy ang pag-usbong ng mga bagong pelikula at artista.
          Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinalakang tabing ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan. Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
          Ito ay isang anyo ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan at negosyo na hangang tinatangkilik at sinasapuso ng mga Pilipino ngayon hanggang sa mga sumusunod na henerasyon ngunit parang naiiba at unti-unting nagbabago dahil sa unti-unting pagbabago sa mundo.


 

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang kaibahan ng mga pelikula
noon at sa mga kasalukuyang pelikulan Pilipino.At upang malaman ang mag tiyak na mga sagot sa mga sumusunod na katanungan.

1.    Anu-ano ang mga kaibahan ng pelikula noong 1912 at 1998?
1.A – Tema                                                   1.F – Uri ng pelikula
1.B – Sinematograpiya                                   1.G – “Effects” na ginamit
1.C – Musikang inilapat                                  1.H – Mga gumaganap
1.D – Angolo ng Kamera                                1.I – Film Editing
1.E – Disenyo ng produksyon                          1.J – Proseso ng paggawa

2.    Sa mga pelikulang alin ang mas makahulugan at mas tumatak sa puso ng tao? At,

3.    Bakit mahalaga ang pelikulang Pilipino sa buhay at kultura ng bawat Pilipino?



C.  Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

          Ang layunin ay maliban na mabigay sa iyo ng karanasan sa mga sandal. Para malaman ang tungkol sa kaibahan ng mga pelikulang Pilipino noong 1912-1998. Ang layunin ng pag-aaral ay para maintindihan natin  at magkaroon ng karagdagang impormasyon sa mga malalalim na nakapaloob nito.

Mananaliksik
Para hind imaging ignorante sa mga kaibahan ng pelikulang Pilipino sa inilaang taon.Upang malaman ang mga impormasyong bumabalot sa nga pelikulang ito.At matukoy ang kaibahan at maihambing ang mga pelikula.

Mag-aaral
          Bilang mag-aaral, para malaman ang kaibahan ng pelikulang  Pilipino sa mga taong nabangit. Sa pamamagitan nito malalaman ang kaibahan ng pamumuhay noon at ngayon na makikita sa mga pelikulang ginawa sa mga taong iyon. Mas magkakaroon ng maraming matutunan ukol sa mga pelikulang Pilipino.
  
 Guro
          Bilang mga guro, mas maraming mga impormasyon ang matutunan na maaring magamit  sa pagtuturo.Magiging gabay sa pagtuturo. Upang magkaroon ng batayan sa pinagaralang mga impormasyon na maging pakipakinabang at masagot ang mga suliranin umiikot batay sa pelikulang Pilipino noon at ngayon.At Maudyok ang mga tanong tumatakbo sa isipan ukol sa pelikulang Pilipino sa nasabing mga taon.
  

 D. Batayang Teoratikal

          Sa balangkas na ito, ipinakita na sa dalawang magkaibang panahon, ang taong 1912 at 1998.Ang Pelikulang  Jose Rizal noong 1998 ay isang adapsyon sa buhay nating pambansang bayani,Dr.Jose Rizal na ginampanan ni Ceasar Montano.At ang Pelikulang La Vida de Jose Rizal noong 1912 naginampanan ni Honorio Lopez.
          Dahil sa makabagong teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng mga pelikula ngayon mas malayong maganda at malinawang mga ito kumpara noon.Ang pelikulang Pilipino ay pinaka batang uri nang sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan,kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
          Bagama’t magkapareho ang proseso ng paggawa ng pelikula sa mga nakalipas na panahon,nagkakaiba naman ang kalidad ng mga ito dahil sa mga pagbabagong nagaganap.Ang mga pagkakaibang ito ang siyang nagbibigay sa mga mananliksik ng kaisipang higit na maganda ang mga pelikulang naipalabas sa kasalukuyan kaysa sa mga pelikula ng naunang dekada.



E. Saklaw at Limitasyon

          Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga sinaunang pelikula ng Pilipinas na mula sa taong 1912 at mga makabagong pelikula sa taong 1998.Layunin nitong magbahagi at magkaroon ng masuring pag-aaralsa kahalagahan ng pelikulang Pilipino sa ibat-ibang bansa. Batid nitong paghambingin ang dalawang uri ng pelikula at pagtuunan ang mga sarisaring epekto nito sa unti-unting pagbabago. Binatikos din dito ang kahalagahan at importasyon ng pelikulang Pilipino na maidulot sa karamihang manonood.
          Binibigyang diin din ng panaliksik ang kung alin sa dalawa ang mas pinapabor o mas matimbang sa mga manonood.
          Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga paniniwala at mga opinion ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ng St. Catherine’s College.




F. Depinisyon Ng Mga Terminolohiya

          Para sa kapakanan,kaalaman at para mas madaling maunawaan ng mga mambabasa,binibigyang depinisyon ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ang mga ito ginamit sa pamanahonang papel.Ang pananaliksik  ay ang paghahanap nang teorya, ang pagsubok sa teorya o ang paglutas ng isang suliranin.

Bodabil- Ito ay tinatawagdinVaudeville in the Phillipines isang sikat na kategorya ng     libangan ng Pilipinas simula noong 1910’s hanggang gitanang-1960’s.
Chronophotography- Ito ay antigong photographic na diskarte, na nakukuha ng paggalaw sa ilang bastidor na kimbang.
Silent Film- Ito ay isang pelikulang hindi magkasabay ang nitalang tunog ,at walang mga diyalogo.
Sinematograpiya- Ito ay isang sining o agham ng motion picture photography.




No comments:

Post a Comment