KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


II. Ang Katawan ng Pananaliksik
          A. Panimula (Bahagi ng Katawan)
               -Introduksyon sa Paksa
          - www.lamidfilipino.blogspot.com/2008/12/ang-pananaliksik mula nina Nathan Alberto, liezel Camarillo, Marife Gumba, Raymond Paul Pineda at Julian Kevin Rivera
          Ang paksa ng mga mananaliksik ay nakukumpara at nagkokontrast sa dalawang makakalapit na panahon – 1990 hanggan 1999 at 2000 hanggang sa kasalukuyan. Napili nila itong maging paksa sapagkat nais nilang malaman ang transisyon ng mga pelikula sa pagbabago sa teknolohiya na makabagong panahon.
          Hindi itatalakay ng kanilang pagka!!!!! ang mga nangyari bago ang dekada ’90. Ang mga mananaliksik ay hindi nagkaroon ng kakayahan upang makapagtalakay ng ibang panahon ng pelikula sapagkat kulang ang mga impormasyon na makukuha at mga materyales na gagamitin sa pagtalakay nito.
          Subaliit nagkaroon sila ng kakayahan na magkapagsaliksik ng mga datos na maaring magamit para sa pag-aaral ukol sa industriya ng pelikulang Pilipino.
          Ang panahong 1990’s ang nagpasimula ng popularidad ng masaker, teen-oriented na romantikong komedya at anatomy-baring adult films.  Ang mga genre ng mga naunang dekada ay parang niresiklo-pareparehas na istorya, at mga tambalan, na naging popular noon na muling bumabalik sa takilya ngayon.
          Ang Pilipinas, bilang isa sa kaunaunahang nagpasimula ng industriya ng pelikula sa asya, ay nanatiling matatatag sa aspeto ng pinakamaraming nanunuon ng pelikula sa Timog-Silangang Asya.Sa mga nagdaang taon, dapatwat, ang industriya ng pelikula ay nagtala ng pagbaba sa panunuod ng pelikula mula 131 milyon noong 1996 hanggang 63 milyon noong 2004. Kahit na ang industriya ay pumasailalim sa panahon ng unos, ang 21st deakda ay nakita ang muling pagbangon ng indie films sa pamamagitan ng digital na teknolohiya, at ilan sa mga pelikulang muling nagtamo ng internasyonal at prestihiyosong pelikula.
        Ayon sa GMAnetwork.com  
      Ang pelikulang Jose Rizal noong 1998 ay isang talambuhay ng minamahal na Pilipinong lider at pambansang bayani. Ginampanan ni Cesar Montano ang papel ni Rizal, at nagsiganap din sina Jaime Fabregas at Joel Torre sa pelikula. Dinerek ni Marilou Diaz-Abaya ang pelikula.
         Nakatanggap ang Jose Rizal ng maraming gantimpala, at kinuha ang karamihan, kung hindi lahat ng mga gantimpala sa 1998 Metro Manila Film Festival. Nanalo rin ito ng maraming gantimpala sa 1999 FAMAS Awards at 1999 Gawad Urian Awards. Sa kabuuan, humakot ang pelikula ng humigit-kumulang 40 gantimpala sa loob ng dalawang taon.
Mauugat ang pagturing sa buhay at kontribusyon ni Rizal bilangpaksa at protagonista sa pangkasaysayang pelikula sa maagang panahonng administrasyon at gobiernong Amerikano nang iprinoklama si Rizal bilang pambansang bayani ng Philippine Commission
noong 1912(Dormiendo, 1999). Sa taong ito, humigit-kumulang 15 taon mataposipalabas ang kauna-unahang banyagang pelikula sa Pilipinas, dalawangAmerikanong mangangalakal ang nag-unahan sa pagpapalabas ngpinakaunang pangkasaysayang pelikula tungkol kay Rizal.Matapos marinig na gumagawa ng pangkasaysayang pelikulatungkol kay Rizal ang karibal sa negosyong si Edward Gross, minadali niAlbert Yearsley, may-ari ng mga sinehan-teatrong Empire at Majestic sa Manila, ang pagsasapelikula ng mga huling oras ni Rizal. Nauna lang ngisang araw sa takilya ang  El Fusilamiento de Dr. Jose Rizal [AngPagbaril kay Dr. Jose Rizal]  (Yearsley, 1912) na binigyang-direksyon niYearsley ayon sa panulat ng historyador na si Austin Craig. Kinuhananang pangkasaysayang pelikula ni Yearsley sa Cementerio del Nortesa
          Ayon sa philstar.com, malaki na ang kaibahan ng mundo ng showbusiness ngayong kung ikukumpara noong nagsisimula pa lang ang PM. Noong panahong iyong ay parang mas aktibo ang insdustriya ng entertainment sa ating bansa. Wala pa ang sinasabi nilang slump sa pelikula na ilang taon din naming naging problema. Pero ngayon ay nakita na natin ang katotohanan, na kaya pala ang mga tao ay hindi nanonood ng sine ay hindi dahil mataas ang mga pelikula sa pirated video. Ang totoo pala, kaya sinasabing nagkaroon ng slump sa peliula at walang nanonood ay dahil hindi gusto ng mga tao ang ginagawa nilang mga pelikula. Kung gusto ng mga tao ang pelikula, manonood sila at kikita ang industriya.
          Ayon sa wikianswers.com, dahil sa mga makabagong teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng mga pelikula ngayon mas malayong maganda at malinaw ang gma ito kumpara noon. Mas marami din ang mapagpiliang pelikulang panonoorin dahil na rin sa dami ng mga artista at producers na gumagawa ng pelikula na ngayog panahon kaysa noon.

B.   Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa premyadog director na si Joel C. Lamangan na patuloy na bumabagsak ang industriya ng pelikulang Pilipno.
          Tunay ngang naghihingalo na ang industriya ng pelikulang Pilipino. Ayon sa kanya, noon ay umaabot ng 200 ang pelikulang naiproprodyus sa bansa. Sa kasalukuyan, halos 30 pelikula na lamang.isang dahilan daw ay ang kawalann ng matibay na programang pangkultura ng gobyerno. Ikalawang dahilan daw ay ang mataas na buwis na pinapataw sa industriya. Nagpapatunay lamang ito na mas tinangkilik ng mamayan ang pelikula noon sapagkat wala pang halong impluwensiya ng ibang bansa. Sabi niya kasi ang makabagong Pilipino ang mas tinatangkili ang gma pelikula ng ibang bayan habang ang sariling atin ay namamatay.
          Mula sa pananaliksik tungkol sa mga pelikula noon (1990 – 1999) at ngayon (2000 – kasalukuyan). Sinasabi dito ang ilang datos na nagsasaad kung paano ginagawa ang isang pelikula. Kasama dito ang yugtong development kung saan ang mga ideya ay isinasalin na para magawa ang script, ang production kung saan ang producer ay naghahanap na ng mga tauhan para sa paggawa na ng pelikula. Marami pang mga yugto o hakbang upang magkagaw ng isang pelikula at nangangailangan ng sipag, tiyaga, at pasensya upang magawa ito ng maayos. Upang mapaganda pa ang pelikula, gumagamit ng mga ilusyon ang mga editor upang mas maipakita ang realidad ng mga eksena. Ang mga effects ay nahahati sa dalawa, optical effects at mechanical effects. Ang optical effects, tinatawag ding photographic effects ay isang uri ng teknik kung saan ang mga film frames ay nagagawa photographically. Ang mechanical effect naman ay tinatawag ding practical at physical effects. Ito’y nagagawa tuwing kumukuha ng eksena. Maraming mga pelikula ang naipalabas sa telebisyon, mga sinehan at iba pa.
          Ang mga datos na nakalap at naitampok sa small katawan ay nagbigay daan upang kritikal na masuri at mabigyan ng kahulugan ang suliranin ng pananaliksik na ito.
          Nagpadaan na ng industriya ng pelikula sa Pilipinas ang iba’t ibang dekada ng pagbabago sa mga aspeto ng paggawa nito. Natunghayan natin ang iba’t ibang genre na nireresiklo bawat taon, ang mga naging sikat na tambalan, paguso ng bomba films, aksyon films, indie films at kombinasyon ng mga genre upang makabuo ng panibago at iba pa. Sa pagpasok ng taong 2000, unti-unting nagsulputan ang mga makabagong teknolohiya sa paggaawa ng pelikula.









No comments:

Post a Comment